Tuesday, July 28, 2009 | Posted in ,
Matagal na akong nagiisip ng isusulat. Ngunit sa pagbukas ng yahoo mailbox ko nakakita ako ng isang linyang nagpa-isip sa akin ng husto. Muntik ko ng mabura ang e-mail na 'yun dahil nakagawian ko na na magdelete ng spam messages. Doon pumasok ang mensahe ng isang istranghero. Simple pero malaman. Hindi ko sya kilala. Hindi ko rin alam kung nang-iinsulto o ano? Pero ako ang taong mas nakatuon ang paningin sa positibong pananaw kaya't tinanggap ko ang simpleng mensaheng ito. At ang nakasulat ay:

"Increase your mental function, give food to your brain!"


Dahil sa sinabi nya napaisip ako. Malaki ang punto. Una inisip ko ito ng literal. FOOD = pagkain. At ito ang ilan sa tumambad sa kakaresearch ko:


"One cannot think well, love well or sleep well if one has not dined well.- Virginia Woolfe "

The foods you eat directly affects the performance of your brain. It has been proven that by eating the right food, you can boost your IQ, improve your mood, be more emotionally stable, sharpen your memory and keep your mind young.

If you give your brain the right nutrients, you will be able to think quicker, have a better memory, be better coordinated and balanced and have improved concentration.


(sundan dito...)

Ngunit muli akong napaisip. Dahil alam kong 90% ng mambabasa ko dito ay manunulat din at may sariling blog na mine-maintain, pinalalim ko ang kahulugan ng aking nabasa.


"Increase your mental function, give food to your brain!"


Ang pagsusulat ay parang pagluluto ng pagkain. Kailangang presentable ang isusulat. Hindi basta hain ng hain sa mesa, kailangang may dating! Ngunit hindi lang presentation ang hinahangaan ng mga mambabasa, mas gusto nila ang sustansya ng mga sulatin. Kailangang may aral, punto, katwiran, katotohanan, kalaliman kung minsan at kung anu-ano pang "Vitamins" na susulit sa mga taong sasaksi sa sulatin.

Kung ikaw ay isang manunulat, paano mo pakakainin ang iyong utak upang maging mas kaaya-aya sa mambabasa ang bawat salitang iiwan mo at ihahain sa kanila?



Magbasa ng librong may katuturan
Sa pagbabasa ng mga libro, maraming katanungan ang mabibigyang kasagutan. Madadagdagan ang kaalaman na pwedeng ibahagi sa mga mambabasa.





Magbasa ng pahayagan! (dated)
Maging aware sa nangyayari sa paligid kahit na doon sa lugar na hindi abot ng ating mga mata. Siguruhin lamang na tama ang date ng pahayagan bago ito basahin.


Magbasa o manood ng on-line news
Kung walang panahong manood ng balita sa bahay at may pagkakataon namang magbukas ng PC, bakit hindi natin subukang alamin ang nangyayari sa mundo? Baka may balita doon na nakakaengganyong basahin/panoorin at i-share sa iba.


Magbasa ng Bibliya
The best quotes are in the Bible. Mas tumatatak sa puso ng mambabasa ang laman ng Bibliya at ang mga pangaral dito.



Magbalik-tanaw sa istorya ng sariling buhay
May mga experiences tayo sa buhay na masarap ibahagi. May mga kamaliang pinagdaanan na kung hahayaan nating malaman ng mambabasa maaari itong maging aral sa kanila. May mga masasayang tagpo rin sa buhay natin, madaming makaka-relate sa personal na istorya ng ating buhay.


Makipag-usap sa mga taong may aral na mapupulot
Hindi natin mapili ang kakausapin natin sa araw-araw. Hindi tayo basta-basta pwedeng tumalikod sa iba kung ayaw na natin syang kausap. Ngunit 'wag nating hayaang mapako tayo sa isang lugar na iisa ang kausap. Madami tayong matututunan sa mga tao sa paligid. Kunin natin ang kanilang kaalaman. Dagdagan natin ang alam natin sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga taong may sense at mas may karanasan.

Makipag-usap sa bata
Maraming aral na mapupulot sa pakikipagusap sa isang bata. Bakit hindi mo subukang makipagusap sa kanya kahit ilang oras lamang.




Magbalik-iskwelahan
Ito ang pinakamagastos na pagpapakain sa utak. Ngunit madami ang sumusubok upang muling matuto dahil ang pag-aaral ay hindi natatapos sa pagtanggap ng diploma.


(photo credit to google image)

"Increase your mental function, give food to your brain!"

Hindi ba't masarap tingnan kung ang mambabasa ay tumatango sa bawat isinulat mo? Kasing sarap iyon ng pakiramdam ng isang chef kapag nakita nyang tumatango ang mga taong nasa hapag at kumakain ng niluto nya.


__________________________________





��
Links to this post
Monday, July 27, 2009 | Posted in , ,

Kaninang umaga, dalawang magkahiwalay na malungkot na balita ang gumulat sa akin. Una, ay ang pagpanaw ng paring nagbuhat sa aming lugar, sa Tiaong, Quezon. Si Fr. Alfred ay binawian ng buhay kahapon (Hulyo 26,2009) sa Balanga, Bataan kung saan siya naglingkod, kinilala at higit na minahal.

Ang istorya ng ilang oras niya sa ospital bago binawian ng buhay... (dito...)

___________


Pangalawa, ay ang pagkamatay ng dating Mayor ng Candelaria, Quezon, si David Emralino. Dahil ang angkan namin ay nakatira sa pinakadulong barangay ng Tiaong, higit na malapit kami sa bayan ng Candelaria.


Si "kumpareng" David, kung tawagin namin dahil iyon ang laging sinasambit ng aking lolo, ay binaril sa labas ng simbahan ng Candelaria kahapon mga bandang alas-11 ng umaga. Dinala pa siya sa Lucena upang doon ay gamutin ngunit binawian din ng buhay pagkatapos ng ilang oras. Ang dalawa naman n'yang bodyguard ay nakaligtas at kasalukuyang nasa ospital pa rin.

Matatandaang naghain ng petisyon si Emralino sa Comelec para sa recount noong nakaraang eleksyon (2007). Sa pagkakaalam ko ay pumabor ang Comelec sa panig nya at hinihintay na lamang na ibaba ang desisyon upang muli siyang manungkulan bilang Mayor ng Candelaria.

Ang istorya ng kanyang pagkamatay.... (dito...)
Ang istorya ng petisyon sa Comelec (dito...)



Mula sa aming tahanan, kami ay nakikiramay sa mga nagdadalamhating pamilya.



"Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them"


___________________________________________________________

Naging abala din ako sa pagbabasa ng SONA 2009... ngunit wala akong masabing iba pa maliban sa limampung buntong hininga!

_________________________________

��
Links to this post
Tuesday, July 21, 2009 | Posted in , ,

It is always better to be safe than sorry - and one of the ways to be safe is to store the word ICE before the name of the person you think will know almost everything about you to help paramedics or police in case of an emergency.

ICE
- it is a symbol you add in front of a selected person in your mobile phone address book, this contact person is the one you want to be contacted "In Case of Emergency".


This will enable paramedics to call this person in case that you cannot be able to communicate with them. In some Emergency cases, we are unable to talk or communicate with paramedics, which will make it impossible for paramedics or emergency personnel to know who we are and thus makes the task of informing our family or relatives. In addition to this, in some cases, paramedics and medical teams may need information about the patient's medical history; some of these information maybe essential and/or sensitive like current medication, allergies....etc.


On the other hand, it was the British paramedic, Bob Brotchie, who noticed there are always mobiles with patient or in the accidents scenes but the paramedics weren't able to find the right person to be contacted, to be informed or to inquire about medical history or any information needed. He therefore thought that it would be a good idea if there was a GLOBALLY RECOGNIZED MANNER in which to call next of kin, and "ICE" was that!


Now, "In Case of any Emergency" Ambulance and emergency service personnel and/or paramedics will search in your mobile for your "ICE" contacts to let them know or to find out your medical information to save your life!


source: ice could save your life (gulfnews)
& ICE


just click on the ICE website to know how to store your ICE contacts...


I stored a group in my mobile and named it ICE... I put my housemate's name, may dad's cousin here in UAE, my sister's bestfriend also in UAE and a "foster father" in UAE.

just in case of emergency...


_____________________________________

��
Links to this post
Thursday, July 16, 2009 | Posted in , , ,
Paalala: Ang matutunghayan ay isang balagtasan. Lahat ng pangalang binanggit ay mga kathang-isip lamang. Mahaba.
____________________________________________________________________________________

Oras: Alas nuwebe ng umaga

Lugar: Lusacan National Highschool Gymnasium (sa Pilipinas)


Pangingibang Bansa:
Pagtalikod nga ba sa Bayan?


_______________________________________________________________

LAKANDIWA
Magandang umaga sa mga mag-aaral
Na ngayon ay sumasaksi sa isang talastasan
Ang bati ko ay tanggapin ng may buong kagalakan
Ako po si ROMUALDO, ang inyong tagapamagitan.

Isang mapagpalang umaga sa lupon ng inampalan
Na ngayon ay hahatol sa magigiting na mag-aaral
Sa iisang tanong na kay hirap pagtalunan
Pangingibang Bansa nga ba ay pagtalikod sa Bayan?

Sa paksang pinili at bibigyang katuturan
Mga henyong kalahok ngayon ay masusubukan
Ang pagsang-ayon at pagtaliwas sa paksang tinuran
Ay isa nang simbolo ng kanilang katapangan.

Mula sa ika-apat na antas ng mataas na paaralan
At naniniwala sa tapat na Pag-ibig sa Bayan
Ikaw ay tumayo at sa amin ay magbigay-galang
CRISOLOGO REYES, atin siyang palakpakan.

_______________________________________________________________

CRISOLOGO REYES
Aking ipagtatanggol ang karapatan ng Bayan
Sa bawat mamayang dito na nagkamalay
Magandang umaga sa lahat ng naririto
Isang karangalan ang tumayo sa harap ninyo.

_______________________________________________________________

LAKANDIWA:
Hindi padadaig ang munting kinatawan
Bagaman isang taong mas bata sa kalaban.
Kanyang ipagtatanggol mga Migranteng Manggagawa
Ating papurihan si RIZALINA MEDINA.

_______________________________________________________________

RIZALINA MEDINA
Isang ngiti sa umaga ang alay ko sa tanan
Ako ngayon ay magtatanggol sa mga Bayani ng Bayan
Sila’y papupurihan at patuloy na hahangaan

Pagka’t sila’y lumilingon kahit na lumilisan!

_______________________________________________________________

LAKANDIWA:
Umpisa pa lamang ng kanilang paninindigan
Masasalamin na natin ang bawat nilang katwiran.
Ang paglisan nga ba sa Bansang Sinilangan
Ay totoong pagtalikod na sa sariling Bayan?

Muli ay aking ibibigay ang pagkakataon
Upang inyong mapakinggan ang bawat nilang taghoy
Ngayon ay ating saksihan ang matapang na tandang
Tari niya’y bagong hasa, siya’y muling palakpakan.

_______________________________________________________________

CRISOLOGO REYES (Unang Tindig)
Tayo’y magbalik-tanaw sa ating nakaraan.
Ang sabi noon sa lumang PANATANG MAKABAYAN

“Paglilingkuran ko ang aking Bayan
Ng walang pagiimbot at buong katapatan”

Sa paglipas ng panahon ito ay binago
Malamang ang iba ay hindi ito kabisado.
Ang sabi sa huli: “Iaalay ko ang aking buhay
Pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas”

Ang mga katagang iyan ay ating sinasambit
Nakataas ang kanang kamay kahit pa ang paslit
Tayo ay sumusumpa bilang isang mamamayang
Maglilingkod sa Bayan ng may buong katapatan.

Paano ka magiging tapat kung sa dayuha’y paaalipin?
Paano na ang Bayan mong nagawa mong tiisin?
Ikaw na pinag-aral ang s'yang dapat na maglingkod
At maging halimbawa sa henerasyong susunod.

Ganon na bang abang-aba ang Bayan nating sinisinta?
At kailangang ang ilan ay mangibang-bansa pa?
Baka naman sila ay natalo lang sa loterya
Kaya Bansa ang sinisi, iniwan at itinatwa!

_______________________________________________________________

LAKANDIWA
Unang tayo pa lamang nitong si Haring Tandang
Ay tila gusto ng pupugin ang kanyang kalaban.
Ngayon ay tunghayan natin ang dumidepensa
Kamay ay ipalakpak sa pagsalubong kay Bb. MEDINA.

_______________________________________________________________

RIZALINA MEDINA (Unang Tindig)
Huwag nating ipagkait ang isang karapatang
Patuloy na bumubuhay sa pamilya at lipunan.
Kung sa Bansang Sinilangan ay walang mapaglagyan
Baka sa ibayong dagat, swerte ay masumpungan.

Bagaman lilisanin ang Bayang tinubuan
Hindi ibig sabihin noo’y wala nang pakialam.
Migranteng Pilipino, sa malayo man ay dayo
Ang makabalik sa Bayan, iyon pa rin ang gusto.

Kung ang panunumpa ang pagbabasihan
Madami nang pulitikong lumagpak ang grado dyan.
Pangakong napako, at lumipad sa alapaap
Paano na ang mithiing makamtan ang pangarap?

Ang gobyerno mismo ang bumuo ng ahensya
Upang matulungang makaalis ang iba.
POEA at OWWA, nangampanya pa sila
Kung hindi mo yan alam, sa entablado’y bumaba na!

“Kabayan ako!” yan ang parati nilang tugon.
Iyan ba ang sinasabi mong pagtatakwil sa nasyon?

Hayun at taas-noong umaaming siya’y Pinoy

Katawan ma’y lumisan, puso sa Bayan ay nakabaon!

_______________________________________________________________

LAKANDIWA
Bakit kahit na umuulan ay umiinit ang kapaligiran?
Parang derby sa Malabon itong unang sagupaan.
Tumayo ka’t salagin mo ang sikad ng kalaban
CRISOLOGO REYES, muli ninyong palakpakan!

_______________________________________________________________

CRISOLOGO REYES (Ikalawang Tindig)
Hindi ba’t ang tanging dahilan ng kanilang paglisan
Ay ang sumisidhing pambansang kahirapan?
Ikaw ba’y nakalimot na sa mga aral ng simbahan
Na ang tao ay hindi lang sa tinapay nabubuhay?

Kung ang bawat kabataan ay dito nagsisilbi
Binubuhay ang kamalayang may pag-asa sa sarili
Kahirapan sana ngayon ay natalo at nagapi
Ngunit dahil sa luho, ang Bayan ay isinantabi!

Noong ikaw ay bata hindi mo ba narinig
Ang pangaral ng matanda tungkol sa isang walis?
Kung nawalan ka ng pag-asang Bayan ay aangat pa
Marahil nga aalis ka’t, sa ibang bansa magmimina!

Ang pangalan mo pa naman ay hango kay RIZAL
Na nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan
Ngunit bakit hindi kita makitaan ng katapatan
Tila yata ngayon ay ipinagkanulo mo ang Bayan?

_______________________________________________________________

LAKANDIWA
Ano’t biglang natahimik ang madlang namamangha
Sa talino talaga ang dalawang ito’y pinagpala
Ngayon tayo’y magpatuloy kaya inyong palakpakan
Si RIZALINA na kanina pang kumakahig sa tabihan.

_______________________________________________________________

RIZALINA MEDINA (Ikalawang Tindig)
Salamat sa pagbanggit mo sa Bayani ng kasaysayan
Itulot mong diligin ko ang utak mong nahihimlay.
Isa siyang halimbawang hindi makakalimutan
Nilisan din niyang minsan ang Bayan niyang minamahal!

Pakalimiin mo ang lahat ng iyong tinuran.
Isipin mo kung ang lahat ay nandito sa ating Bayan.
Anong trabaho ang gagawin? Paano pa mabubuhay?
Baka lalong dumami pa ang problema nitong Bayan!

Kahit saang bansa ka pa pumunta at dumayo
Propesyunal man o hindi, madami ang Pilipino.
Kung tayong natira dito, nauubusan pa ng trabaho
Paano kung uuwi sila’t pagbigyan ang iyong gusto?

Baka kahit ang Pangulo ay mataranta at mahilo
Dahil siya mismo, ay mamomroblema nang todo!

Ngayon ay alam ko na, sa Relihiyon ikaw ay matalino

Pero ang Ekonomiks ay tila nakakaligtaan mo!

_______________________________________________________________

LAKANDIWA
Bago kayo magpatuloy na gumiri at rumatsada
Ipinaalam kong huling pagkakataon n’yo na
Mula sa aking kaliwa, onse yaring pusta
Ikaw na nga ay tumayo at tuloy na dumipensa.

_______________________________________________________________

CRISOLOGO REYES (Ikatlong Tindig)
Sa punto at tinuran mo talagang dukha na ang Bansa
Kitang-kita sa‘yong matang pag-asa mo ay nawala
Kung tayo ay kapit-bisig at tulong-tulong sa pagbangon
Hindi sana sa putikan ang ating Bansa ay bumaon.

Ngunit dahil na rin sa pagguho ng pag-asa
At pag-aasam ng perang limpak-limpak pa!
Itatatwa ang Bayan, sa malayo ay buhay Reyna
Waldas dito, waldas doon. Bayan kaya’y naisip nya?

Tumingin ka sa paligid, yamang-likas meron tayo
Tao na lamang ang kulang dahil sila’y nandarayo!
Sino ang lilinang ng mga kayamanang ito?
Kung tayong mga Pinoy ay dolyares ang gusto?


RIZALINA MEDINA (Ikatlong Tindig)
Kung ang bawat mamamayan ay may lupang sasakahin
At mayroong pag-aaring basta na lang miminahin
Ang punto mo CRISOLOGO ay tiyak na may dating
Ngunit ang katotohana’y nanaginip ka ng gising!

Kung ang paglisan nga ay pagtatatwa sa Bayan,
Bakit hindi mo tanungin ang pamilyang naiwan?
Anak na nangulila sa pagmamahal ng magulang
Ipinagmamalaki pa rin ang Amang nandayuhan!

Ang pag-aasam ng karangyaan at kaginhawaan
Ay natural na sa ating mga anak ni Juan
Pamilya ay bubuhayin sa marangal na paraan
Kahit pa nga ang kapalit nito ay paglayo at paglisan!


CRISOLOGO REYES
Sa dambana’y nagsumpaan mag-asawang uliran
Na sa hirap at ginhawa’y magsasama, magpipisan
Ngunit dahil na rin sa luho at kayabangan
Mangangapit-bansa, at doon ay maliligaw!

Iyan ang katotohanang hindi lantad sa publiko
Magulang na hiwalay, masakit aminin mo?
Ang kasunod ng pagtalikod sa pamilya ay ano?

Ang paglimot sa Bayan na ang tingin sa kanya’y gago!


RIZALINA MEDINA
Kung iyan ang basehan ng utak mong may kalawang
Mali yata ang pag-sang ayon mo na ako’y makasagutan!
Baka ikaw ay ngumiti kapag inabutan ka ng dolyar
At baka sabihin pang: “Can I have another one?”

Isuko mo na ang laban dahil malinaw na kailanman
Ang paglisan sa ating Bayan ay may dulot na kabutihan
Pamilya ay umaayos, sarili ay bumubuti
Bansa naman ay tiyak na nananagana ng marami!


CRISOLOGO REYES
Kung sakaling ikaw ay magtapos ng medisina,
Ikaw ba ay lilisan at sa dayuha’y pa-aaba?
Kung ikaw ay may prinsipyong mamamayan ng Bansa,
Hindi mo ba isasalba ang ekonomiyang humihina?


RIZALINA MEDINA
Kung ang prinsipyong sinabi mo’y pwede lamang na nguyain

At sikmura ng pamilya ay patuloy nitong bubusugin

Malamang kahit sino ang Bansa’y ‘di na lilisanin

Ngunit paano kung gutom pa rin, sikmura ba’y titiisin?


CRISOLOGO REYES

Lilisan ka ba’t tatalikod sa Bansang Sinilangan?
O patuloy na maglilingkod at tutulong sa Bayan?

RIZALINA MEDINA
Bayan nga ba ay tinalikdan nitong abang nangangarap?

Dahil sa kagustuhang pamilya ay maingat?


CRISOLOGO REYES

Sila’y walang itinirang pagmamahal sa Bayan!

RIZALINA MEDINA
Lumilingon silang lagi kahit pa lumilisan!

CRISOLOGO REYES
Makasarili lamang ang nandarayuhan!

RIZALINA MEDINA
Karangalan ng pamilya ang kanilang ipinaglalaban!

_______________________________________________________________

LAKANDIWA
Teka muna, teka muna! Kayo ay magsitigil!
Ang punto n’yong isiniwalat ay aking lilimiin
Ngunit bago hatulan ang makatang magagaling
Palakpakan muli natin silang dalawang magigiting!

Ang paghatol sa labanan ay mahirap na gawain
Lalo na kung katwiran ang aking hihimayin
Hindi ito basketbol o di kaya’y larong bowling
Hindi rin ito bilangan ng puntos sa “sparring”.

Uulitin ko ang paksa para sa kaalaman ng madla
Pangingibang Bayan nga ba ay pagtalikod sa Bansa?
Lumilisan ang iba sa kapakanan ng pamilya
Pinipiling lumayo at hanapin ang swerte nila.

Madami namang paraan ng pagpapahalaga
At pagbabalik-tulong sa Bayang sinisinta
Kahit nasa ibang nasyon, gawi nila’y itinutuwid
Upang sila ay hindi na sa kaunlaran ay balakid!

Ang mapahalagahang Pilipino silang tunay
Dugo, pawis at lungkot man ang nakasalalay
Mahalaga lamang dito ay paglingon sa iniwan
Ito ay malinaw na hindi pagtatakwil sa Bayan!

Kaya ngayon ang yamado sa paligsahang ito
Tumayo ka’t iwagayway ang bandilang dala mo
RIZALINA MEDINA, tanggapin mo ang tropeo
Ikaw na nga walang iba ang sa sabong ay nanalo!



Ang kathang ito ay iniaalay ko sa PEBA. Sakaling maisakatuparan ang pagbuo ng e-book para sa lahat ng PEBA Nominees ng Global Search for 2009 Pinoy Expats/OFW Blog Awards, isang karangalan para sa akin na mapabilang ang likhang ito. (dalangin ko lamang ay magkaron ng pitak para sa hindi naging nominado)

Hindi naging madali para sa akin ang buuin ang obrang ito dahil ang katwirang nasa isipan ko ay ang katwiran lamang na nagtataguyod sa kapwa ko Expats/OFW. Mahirap nga palang i-dipensa ang isang bagay na taliwas sa iyong paniniwala at panindigan, kaya't nagpapasalamat ako sa mga taong nagkaroon ng baluktot na pananaw sa tunay na kadahilanan ng pangingibang-bayan ng mga kapwa ko Pilipino, kahit paano'y nagkaron ako ng ideya para mabuo ko ito.

Hindi po ito official entry sa PEBA. Kagaya ni Kuya Kenji sa kanyang "Life's Priorities", kaming mga nag-organize ng patimpalak na ito ay mga Expats/OFW rin na may sariling pananaw, sariling dahilan, at sariling karanasan...

Nawa'y naibigan ninyo ang
51 saknong na handog ko!

_________________________________

��
Links to this post
Wednesday, July 08, 2009 | Posted in ,
I dreamed I had an interview with GOD.

“So you would like to
interview me?”
GOD asked

“If you have the time,” I said.

GOD smiled.

“My time is eternity… what questions do you have in mind for me?”

“What surprises you most about humankind?”

GOD answered…

“That they get bored with childhood,they rush to grow up, and then long to be children again…”

“That they lose their health to make money…and they lose their money to restore their health.”


“That by thinking anxiously about future, they forget the present, such that they live in neither the present nor the future.”

“That they live as if they will never die,and die as though they had never lived.”


GOD’s hand took mine
and we were silent for awhile.

And then I asked,

“As a parent, what are some of life’s lessons You want Your children to learn?”

“To learn that they cannot make anyone love them.
All they can do is let themselves be loved.”

“To learn that it is not good
to compare themselves to others.”

“To learn to forgive
by practicing forgiveness.”


“To learn that it only takes a few seconds
to open profound wounds
in those they love,
and it can take many years to heal them.”


“To learn that a rich person is
not the one who has the most,
but is one who needs the least.”


“To learn that there are people who love them dearly,
but simply do not yet know
how
to express or show their feelings.”


“To learn that two people can look
at the same thing
and see it differently.”



“To learn that it is not enough
that they forgive one another,
but they must also forgive themselves.”


“Thank you for your time,”
I said humbly.

“Is there anything else You’d like Your children to know?”

GOD smiled and said…

“Just know that I am here.”

“Always.”

source: Interview with God
___________________________________

Category: ,
��
Links to this post