Dahil sa kagustuhan ni Itay na maabot ko ang pangarap ko, nagpakalayu-layo ako para sa katuparan nito!
Hindi ko alam na doon pala kita makikita. Na doon pala magkukrus ang landas nating dalawa. Na sa lugar kung saan ko tutuparin ang pangarap ni Itay para sa akin, bonus na ni Bro na makilala kita doon.
Hindi madali ang pinagdaanan nating dalawa. Madaming pagpapanggap. Madaming tarayan. Madaming supladahan. Madaming init ng ulo ang kumawala. Masungit ka at seryosong tao. Lahat ng gusto mo sa buhay dapat perpekto, lahat dapat may basehan. At dapat lahat ng gusto mo, makuha mo!
Matagal-tagal ko ring pinag-aralan ang kilos mo, matagal akong nagpraktis pano kita totonohan sa ugali mo dahil magkataliwas tayo. Simple lang ang buhay para saken. Simpleng-simple. Ayoko kase ng komplikadong buhay. Sa makatuwid, ayoko ng buhay na meron ka pero pinipilit kitang intindihin dahil nga siguro noon pa man, MAHAL na kita.
Naging malupit ang tadhana sa ating dalawa. Nahiwalay ako sayo... umuwi ka kase ng Pilipinas at iniwan mo ako. Pero mabait talaga si Bro., kinailangan ko rin kaseng bumalik ng Pinas gaya ng pangako ko kay Itay. Akala ko tapos na ang teleserye nating dalawa, pero muli, nagkita tayo...
Maraming salamat sa tulong mo. Halos nakasubsob na ako noon at di na makalakad sa buhay pero nandyan ka, tinulungan mo akong muling tumayo. Gusto kong iwasan ka, dahil ayokong mapamahal sayo ng sobra. Alam kong ang pakiramdam na ito ang maglalagay saken sa peligro. Pero habang nilalayuan kita, lalo ka namang nagpapakita...
Nasasaktan ako dahil ikakasal ka na. Pero mula noon hanggang ngayon alam kong importante ako sayo. Alam kong mahal mo na rin ako. Natatakot lang tayong tanungin ang isa't-isa noon. Dahil mahirap gumawa ng pag-ibig na ayaw ng buong mundo. Mahirap lang ako kumpara sa pamilya mo. Nakita ko ang bawat paghahanda sa nalalapit mong kasal. Para akong niyuyurakan. Dinaig pa nun ung pakiramdam nang minsang ipahiya ako ng mapapangasawa mo sa harap ng madaming tao. Masakit. Masakit na masakit!
Naging abala ako sa pagsasa-ayos ng buhay ko, hanggang mabalitaan kong ayos na ang lahat para sa engagement party mo. Nalungkot ako. Nasaktan. Pero pinilit kong tanggapin na wala ka na. Na talagang hindi tayo para sa isa't-isa.
Dalawang araw akong tulala. Dalawang araw ko kaseng iniisip kung matutuloy ba talaga ang engagement party nyo. At sa araw na kinatatakutan ko, pinagpatuloy ko ang pagiging abala sa trabaho para kahit paano makalimutan kita. Hindi ko na sinubaybayan ang sunod na pangyayari. Hanggang magulat na lang ako biglang nasa tabi kita. Hindi ba't ngayon ang araw na pormal mong ihahayag ang inyong pagpapakasal? Bakit nandito ka sa harap ko? At bakit sinasabi mong MAHAL mo AKO?
Gusto kong tumalon sa tuwa, ngayong nasukol ka na, natutunan mo ring aminin sa sarili mo na ang SIMPLENG ako, ay taong mahal mo!
Muli, maraming salamat. Alam kong mas marami pang balakid pagkatapos nito. Mas marami pa tayong pagdadaanan. Hindi kasing simple ng buhay doon sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Pero makakayanan natin 'to, naniniwala ako sa'yo at sa pagmamahal mo!
Palagi mo sanang tatandaan, sa lahat ng nararamdaman ng tao... ang PAGMAMAHAL ang pinakamakapangyarihan!
Maraming salamat mahal ko!
VIZCARRA






Philippine Peso Converter


15 responses to "LOVE IS IN THE AIR!"
Pangalawang talata pa lang may kumento na sana ako, sasabihin ko sanang parang Lovers in Paris ang istorya, pero habang tumatagal...nakanang!parehas to ng napapanood kong teleserye ah lolzz
Oo nga! si Viscarra! hehe ,sweet...
lovers in paris nga ...vivian vizcarra...ayuz...sana yung character naman ni Karen (maricar reyes)... hinahangaan ko pa din tlaga sya :)
Nandito ang pinaka-latest sa Lovers in Paris! 'Yan ang huling episode na napanood ko 2hrs ago.
Huhmn, honestly, para sa akin, parang nagkamali sila sa casting. Hindi bagay para sa papel ni Vizcarra ang artistang gumaganap.
Sa PBB Double Up at Somewhere in My Heart nalang ako.
CM - panong hinde.. eh sa 2nd paragraph eh may link na ng PARIS! (doon) lolz! nanonood ka rin?
SUPER G - naks! avid fan ka pala ni Maricar. pero in fairness, gusto ko ang character nya jan... bagay sa kanya. :)
Doc RJ - siya lang kase ang may personal experience sa Paris at fluent mag-french... kaya siguro sya ang pinili(t) sa role na un.
at dahil andito tayo sa abroad limitado ang pinapanood... walang choice kaya mamahalin mo na lang kung anong ine-ere kahit sino pa ang cast... hehehehe! pampalipas lng ng oras... :)
Eh kala ko love story mo yan eh lolzz
fans din ako ni vivian no :D
CM - kahit pa anong halungkat mo dito, walang mabubulgar sa totoong love story ko! (wish ko lang di ako madulas sa mga susunod na posts!) parang showbiz lang, may pribadong buhay! :D
hahaha avid fan ka pala ng lovers in paris sis..hehehe request ko rin yung point of view naman nung character ni maricar reyes..hehehe
JAID - try ko yang si KAREN... pag naramdaman ko na ang pagiging ex-wife siguro i can write emotional letter na galing sa character nya... hehehehehe!
wow ganda naman ng lovestory! sorry di ako makarelate sa lovers in paris kasi di ako mahilig manood eh! kaya carried away talaga ako! galing!
Haaay, naku. Akala ko p naman e love story mo. Hanggang mabasa ko ang mga comments. E baka lalo kang magalit dahil hindi ko talaga sinusubaybayan ang Losers in Paris, este, Lovers in Paris pala. Peace, 'te.
first time ever kang nagpost 'bout sa love story moh... hangganda nang lab story nyo.. parang teleserye... siguro meant kayo ni Bro sa isa't isa... wish koh all d' best sa pagmamahalan nyo... and for sure nde kayo pababayaan ni Bro... pa-*hugz*...
hahahah... nakibasa nang komentz.. nemen! lover's in paris palah... tsk!... biis koh lang kc basahin eh... nemen... pero 'lam koh siguro yung lab story moh not exactly like dat pero kinda like dat... hmmm....
eniweiz usapang lovers in paris nah... ahlab dat koreanovela.. sobra sobra... but i actually watched d' korean version.. as in subtitle lang... pinagpuyatan koh atah nang 2 days na nakatututok lang akoh sa computer koh at lumuluha... tumatawa... na parang tanga.. yeah.. pagkatapos koh manood... sumakit nang bonggang bongga ulo koh kc nde lang sa pag-iyak kc tlagang wala akong tulog... teka parang nde koh nakita 'ung link moh na paris sa entry moh... eniweiz...
teka.. 'un lang palah atah.. haha... ingatz lagi... nde koh na eedit yung sinabi koh nung una.... so 'unz... hasta luego.. Godbless! -di
if you love some let him go but if it meant for it will come back again. Love that song and in reality nangyayari.
Happy for you AZEL. Praise Him for the love in the air.
IYA - aw! di ka nanonood nyan? try mo minsan... gumaganda na kase ang story eh...
UNCLE NEBZ - ssshhh.. kaw ha! ok lng di mo panoorin, kase im sure di ka talaga gaganahan sa mga panoorin ng mga bagets! lolz!
DHIANZ - try watching this Pinoy version... nasa youtube yan every night. :)
KUYA JESS - naku kuya! telenobela lang yan. di po yan ang love story ko! hehehehehe!
Hindi ako familiar sa kwento ng Lover's in Paris. Kahit na yung original na Koreanovela. Hindi ko ata napanood.
Natawa lang ako dahil napeke mo ko. Kung hindi ko pa napindot ung last na link - hindi ko pa makikita at malalaman na tungkol lang pala sa teleserye.
Bwahahaha. Tapos yung plugging mo lang sa ym, nakakapeke talaga..hahaha
Pareho lang kami ni Jenskee.. pero napanood ko na ang Lover in Paris na yan noon..
Akala ko lang talaga kwento mo itech! NAkangiti pa man din ako..haha!
Sinu ba si Vizcarra? lol