Matagal na akong nagiisip ng isusulat. Ngunit sa pagbukas ng yahoo mailbox ko nakakita ako ng isang linyang nagpa-isip sa akin ng husto. Muntik ko ng mabura ang e-mail na 'yun dahil nakagawian ko na na magdelete ng spam messages. Doon pumasok ang mensahe ng isang istranghero. Simple pero malaman. Hindi ko sya kilala. Hindi ko rin alam kung nang-iinsulto o ano? Pero ako ang taong mas nakatuon ang paningin sa positibong pananaw kaya't tinanggap ko ang simpleng mensaheng ito. At ang nakasulat ay:
"Increase your mental function, give food to your brain!"
Dahil sa sinabi nya napaisip ako. Malaki ang punto. Una inisip ko ito ng literal. FOOD = pagkain. At ito ang ilan sa tumambad sa kakaresearch ko:
"One cannot think well, love well or sleep well if one has not dined well.- Virginia Woolfe "
The foods you eat directly affects the performance of your brain. It has been proven that by eating the right food, you can boost your IQ, improve your mood, be more emotionally stable, sharpen your memory and keep your mind young.
If you give your brain the right nutrients, you will be able to think quicker, have a better memory, be better coordinated and balanced and have improved concentration.
(sundan dito...)
Ngunit muli akong napaisip. Dahil alam kong 90% ng mambabasa ko dito ay manunulat din at may sariling blog na mine-maintain, pinalalim ko ang kahulugan ng aking nabasa.
"Increase your mental function, give food to your brain!"
Ang pagsusulat ay parang pagluluto ng pagkain. Kailangang presentable ang isusulat. Hindi basta hain ng hain sa mesa, kailangang may dating! Ngunit hindi lang presentation ang hinahangaan ng mga mambabasa, mas gusto nila ang sustansya ng mga sulatin. Kailangang may aral, punto, katwiran, katotohanan, kalaliman kung minsan at kung anu-ano pang "Vitamins" na susulit sa mga taong sasaksi sa sulatin.
Kung ikaw ay isang manunulat, paano mo pakakainin ang iyong utak upang maging mas kaaya-aya sa mambabasa ang bawat salitang iiwan mo at ihahain sa kanila?

Magbasa ng librong may katuturan
Sa pagbabasa ng mga libro, maraming katanungan ang mabibigyang kasagutan. Madadagdagan ang kaalaman na pwedeng ibahagi sa mga mambabasa.
Magbasa ng pahayagan! (dated)
Maging aware sa nangyayari sa paligid kahit na doon sa lugar na hindi abot ng ating mga mata. Siguruhin lamang na tama ang date ng pahayagan bago ito basahin.
Magbasa o manood ng on-line news
Kung walang panahong manood ng balita sa bahay at may pagkakataon namang magbukas ng PC, bakit hindi natin subukang alamin ang nangyayari sa mundo? Baka may balita doon na nakakaengganyong basahin/panoorin at i-share sa iba.

Magbasa ng Bibliya
The best quotes are in the Bible. Mas tumatatak sa puso ng mambabasa ang laman ng Bibliya at ang mga pangaral dito.
Magbalik-tanaw sa istorya ng sariling buhay
May mga experiences tayo sa buhay na masarap ibahagi. May mga kamaliang pinagdaanan na kung hahayaan nating malaman ng mambabasa maaari itong maging aral sa kanila. May mga masasayang tagpo rin sa buhay natin, madaming makaka-relate sa personal na istorya ng ating buhay.
Makipag-usap sa mga taong may aral na mapupulot
Hindi natin mapili ang kakausapin natin sa araw-araw. Hindi tayo basta-basta pwedeng tumalikod sa iba kung ayaw na natin syang kausap. Ngunit 'wag nating hayaang mapako tayo sa isang lugar na iisa ang kausap. Madami tayong matututunan sa mga tao sa paligid. Kunin natin ang kanilang kaalaman. Dagdagan natin ang alam natin sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga taong may sense at mas may karanasan.
Makipag-usap sa bata
Maraming aral na mapupulot sa pakikipagusap sa isang bata. Bakit hindi mo subukang makipagusap sa kanya kahit ilang oras lamang.
Magbalik-iskwelahan
Ito ang pinakamagastos na pagpapakain sa utak. Ngunit madami ang sumusubok upang muling matuto dahil ang pag-aaral ay hindi natatapos sa pagtanggap ng diploma.
Kung ikaw ay isang manunulat, paano mo pakakainin ang iyong utak upang maging mas kaaya-aya sa mambabasa ang bawat salitang iiwan mo at ihahain sa kanila?

Magbasa ng librong may katuturan
Sa pagbabasa ng mga libro, maraming katanungan ang mabibigyang kasagutan. Madadagdagan ang kaalaman na pwedeng ibahagi sa mga mambabasa.
Magbasa ng pahayagan! (dated)Maging aware sa nangyayari sa paligid kahit na doon sa lugar na hindi abot ng ating mga mata. Siguruhin lamang na tama ang date ng pahayagan bago ito basahin.
Magbasa o manood ng on-line newsKung walang panahong manood ng balita sa bahay at may pagkakataon namang magbukas ng PC, bakit hindi natin subukang alamin ang nangyayari sa mundo? Baka may balita doon na nakakaengganyong basahin/panoorin at i-share sa iba.

Magbasa ng Bibliya
The best quotes are in the Bible. Mas tumatatak sa puso ng mambabasa ang laman ng Bibliya at ang mga pangaral dito.
Magbalik-tanaw sa istorya ng sariling buhayMay mga experiences tayo sa buhay na masarap ibahagi. May mga kamaliang pinagdaanan na kung hahayaan nating malaman ng mambabasa maaari itong maging aral sa kanila. May mga masasayang tagpo rin sa buhay natin, madaming makaka-relate sa personal na istorya ng ating buhay.
Makipag-usap sa mga taong may aral na mapupulotHindi natin mapili ang kakausapin natin sa araw-araw. Hindi tayo basta-basta pwedeng tumalikod sa iba kung ayaw na natin syang kausap. Ngunit 'wag nating hayaang mapako tayo sa isang lugar na iisa ang kausap. Madami tayong matututunan sa mga tao sa paligid. Kunin natin ang kanilang kaalaman. Dagdagan natin ang alam natin sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga taong may sense at mas may karanasan.
Makipag-usap sa bataMaraming aral na mapupulot sa pakikipagusap sa isang bata. Bakit hindi mo subukang makipagusap sa kanya kahit ilang oras lamang.
Magbalik-iskwelahanIto ang pinakamagastos na pagpapakain sa utak. Ngunit madami ang sumusubok upang muling matuto dahil ang pag-aaral ay hindi natatapos sa pagtanggap ng diploma.
(photo credit to google image)
"Increase your mental function, give food to your brain!"
Hindi ba't masarap tingnan kung ang mambabasa ay tumatango sa bawat isinulat mo? Kasing sarap iyon ng pakiramdam ng isang chef kapag nakita nyang tumatango ang mga taong nasa hapag at kumakain ng niluto nya.







Philippine Peso Converter


22 responses to "BRAIN DRAIN"
ayos to!
nice post izil :)
tama lahat ng sinabi mo :) napaisip tuloy ako kung may katuturan ba ang mga pinopost ko sa blog ko! hahaha!
DYI - hahahahaha! atleast may idea na tayo pag wala na tayong maisip isulat eh kelangan na pala ng utak natin ng "pagkain"...
Nice tips! Salamat. o",)
ako nasubukan ko na ung makipag-usap sa mga bata... nakakagaan din ng loob! nakakainspire palagi mgsulat...
ok to ah! i learned a lot. thanks!
nice post!dami kong natutunan..napaisip din ako kung may katuturan ba laman ng blog ko,hahaha Ü
kailangan talaga laging pinapakain ang utak, dahil kapag di nagagamit ang utak, pumupuroL..tama po ba?Ü
Doc RJ - Salamat po sa pagdaan...
GESMUNDS - tama ka. may mga thoughts ang bata na mababaw pero malakas ang dating! balik lng...
SUPERJAID - salamat sa muling pagbisita. Dumaan ako sa bahay mo pero ilang beses nagerror ang firefox ko. sayang ung comment. i was about to say na magpainit ka sa araw expose mo ung maputing color ng skin mo para pumantay... lolz!
ang galing. i like this post. marami akong napulot na magandang impormasyon. hindi nga naman gagana ang utak pag gutom kasi puro pagkain ang iisipin nito at babalewalain ang ibang bagay. hehe..
gusto ko lalo ung part na "makipagusap sa bata". marami talaga tayong matututunan sa mga bata. ika nga ni mark twain: "The most interesting information come from children, for they tell all they know and then stop."
ang haba na nito.. LOL!
very nice post.. kakabusog, ng isip..
hmmmm, napaisip tuloy ako, baka kasi kulang na kulang sa ingredients ang mga post ko, kaya konti lang kumakain, hehehe!
sa dami ng idea ng ating mga kablogs everyday ay mabubusog na ang brain natin.
have a nice day!
I agree with the comment of Life Moto, maraming kaalaman na matututunan sa mga bloggers ng KABLOGS.
Pero I love iyong idea ng Magbalik Iswelahan, I really love to back to school, gusto kong mag-aral ng creative writing or Digital Photo Editing or Photoshop training.
Thanks for sharing.
God bless.
agree ako sa lahat ng tinumbok mo :D
hmmmm, magbabalik escuela ako next month!
kaunti na lang ang nagagawa ko sa listahan mo... mukhang kailangan kong gawin karamihan dito... gawa ng trabaho, medyo nabobobo nako...
hmm... magawa ko nga yan... :)
husay nito azel sige papakainin ko mamaya ang utak ko, mukhang nagugutom na siya...hehehe
thanks for the info:D
i agree with all the points that you've had mentioned....
at dahil napupunta na sa kangkungan ang mga topic ng posts ko,
sa palagay ko eh its about time na maghanap ulit ako ng bagong Food for my brain...
(napapala to ng tanim ng tanim sa FARMBOOK, nagiging mababaw na ang utak..hahah)
Makipag-usap sa bata. Magbalik-iskwelahan.
Yan ang pinakagusto ko lahat. Great post Ma'am Azel!
Halos wala na akong nagagawa sa list..makakain nga mamaya hehehe..
ang galing naman ng mga tips mo, totoo lahat yan, tamang tama yata ito sa post ko ngayon sa blog ko, pagkain din ang laman nito ibang klase nga lang hehehe
Parang hindi yata ako naniniwala...si Azel, mabe-brain drain? Parang hindi siguro!!!!
Isa ng katunayan ang post na ito. Brain drain ba ito e ang dami-daming kapupulutan ng aral?
At masakit na nga ang batok ko sa katatango sa mga isinusulat mo.
But yes, thanks for the tips. I used to have a diary (I do, I do! Ganun ako ka-emotionally fire up noon!) pero nawalan na rin ako ng ganang magsulat (e pano kasi meron ng blog! hehe).
And yes, I do read my bible everyday. Kaya lang puro reading lang ako. Walang pumapasok. Kung sa espiritu.
Thanks sa post Azel. It's definitely a brainer post (meron bang ganun?).
sorry...emotionally 'fired' up! (ako ang nabe-brain drain!)
Ang blog kasi e maihahambing sa restoran. Nakakasuya naman kung walang pagbabago sa menu. Mas mainam kung meron palaging "today's special". Yun ang sekreto ng mga chef.
Nice, Azel!