Isang nakakalarmang column ang nabasa ko online. Sa mahigit 3 taon kong pagtatrabaho dito sa disyerto, ngayon ko lamang napatunayang may mga kababayan palang totoong ang tingin sa ating mga OFW ay taga-pagsalba ng nanghihinang ekonomiya ng ating bansa. Na parang nangingitlog tayo ng dolyares at namimitas lamang ng pera sa ibayong-dagat.
Ang suhestiyon ng manunulat: Matagal na pagbabakasyon ng mga OFW sa Pilipinas ngayong kapaskuhan upang mapalagong muli ang turismo at maibangon ang nasalantang bayan.
Napakunot ang aking noo. Binasa ko ang mga kumento at mainit na pagbatikos ng mga kababayan sa kolumnista.
Naintindihan ko kanyang layunin para sa bansa. Pero sa aking palagay, ang isunulat niya ay isang bahagi lamang ng katotohanan. Hindi yata niya naisip na ang mga OFW na ito ay may kontratang iniingatan, pamilyang binubuhay, utang na binabayaran at pansariling pangarap na gustong abutin. Sana'y sa halip na ipagpilitang lustayin ang mga perang kinita sa kabila ng pangungulila, sinabi na lang sana niyang ingatan at palaguin ang bawat sentimong bitbit mula sa ibang bansa.
Hindi ko kailan man narinig mula sa mga magulang ko na kailangan kong maglakwatsa at mamasyal sa iba't-ibang parte ng Pilipinas sa aking pagbabalik-bansa. Hindi ko kailanman narinig na kinailangan naming lustayin ang perang bibitbitin ko upang maging masaya kaming pamilya. Hindi ko kailanman narinig na kailangang ilibre ko ang mga kaanak ng isang magarbong hapunan.
Bagkus, ang tanging sinasabi nila ay kailangang mag-impok para sa kinabukasan. At kailangang paghandaan ang mas importanteng bagay. Na mas mahalagang sa mga susunod na araw ay may pamilyang kumakain pa rin ng tatlong beses sa isang araw.
Ang pag-uwi ng mga OFW sa bansa ay kagalakan na para sa buong pamilya. Ang makitang maayos ang kalusugan at pangangatawan ay isang biyaya na mula sa Maykapal. Hindi mapapantayan ng kung anong materyal na bagay ang kaligayahang muling nabuo ang pamilya. Ang natural na pagkaing Pinoy sa mesa na kung saan ay mas hinahanap-hanap nating mga OFW ay sapat na upang maramdaman natin ang muli nating pagbabalik. Hindi na natin kailangang pumunta pa sa primera klaseng hotel o restaurant. Doon lamang sa bahay-kubo sa bukid na may inihaw na tilapia, relyenong bangus, chicken/pork adobo, ensaladang talong, inihaw na liempo at malamig na coke...masayang-masaya na tayo noon!
Kailangan pa ba talagang mamasyal sa Baguio? o sa Cebu?
Hindi pa ba sapat ang remittances ng 12 milyong OFW para isalba ang bayan? Kung hindi man, kami pa rin ba sa aming pagbabalik ang gagawa ng paraan upang isalba ito? At sa huli, kami pa rin ba ang mag-iisip para sagutin ang mga katanungang ito?
Hindi ba't sa panahon ng krisis, bawal maglustay?
Nagtatanong lamang po ako...

Philippine Peso Converter